top of page
cujotafitxe

Ang ginto sa makiling pdf 11: Discover the mystery and magic of Macario Pineda's fiction



Bumalik si Edong at Doro dala ang regalo nila Maria Makiling at ng isa pang mahiwagang babae na si Urduha para kay Sanang, regalong babago sa buhay di lamang ng buhay ni Sanang kundi kasabay ng pamilya nito(isang bayong ng ginto). Dito nasubok ang katatagan at karupukan ng mga tauhan sa kwento, naglitawan ang mga suliraning hindi gumambala noong payak pa ang pamumuhay ng pamilya. Mula rin nito ay di na makikita ni Sanang ang kasintahan hanggang malampasan ang pagsubok na itinakda.


Ang mga karakter ay mga taong baryo, naglalarawan sa masa nang panahong iyon. Bagamat hirap at kagagaling palang sa digmaan ang kalagayan ng masang magsasaka noong panahong inilalarawan sa kwento, ay di naman siguro masama na hindi ito ang binigyang diin ng paglalarawan ng awtor. Hindi rin masasabing anti-masa ang ganitong pagsasalarawan dahil mahusay na pinakita ng may akda ang karakter, kasiyahan, kabutihan at pagdadamayan ng mga magsasakang gumaganap sa kwento. Bagamat naipakita rin ang kasakiman ng ilang karakter na magsasaka din ay di naman para kutyain ang uri ngunit sa punto de bistang pagsusuring sikolohikal at sosyolohikal ng dalawang landas na pwedeng tunguhin sa harap ng di inaasahang pagbuti ng kabuhayan. Ang kasakimang tulad ng kalawang sa asero, sisira sa mga relasyong tinatangi at nirerespeto at kalaunan ay kakain sa sarili. Sa kabilang banda ay ang katatagan ng pananatiling payak ng kalooban, ay nagpapalakas ng tiwala, damayan at determinasyon di lang ng indibidwal kundi maging ng kapwa/komunidad na nakasasaksi. Bagamat maaaring sabihing kalabisan at/o di- makatotohanan ang inilalarawang idealistang konsepto ng pagmamahalang ipinakita ni Sanang at Edong ay nabigyang katarungan ng may akda sa paraan ng malikhaing paglalarawan ang ganitong ganap na pagmamahal na di rin naman imposible, madalang nga lamang tulad ng ginto. Malinaw ang pagkiling ng kwento sa masa ng sambayanan, at sa isang antas ng panlipunang pagbabago subalit kapos sa tunggalian ng mga uri sa lipunan ang akda.




ang ginto sa makiling pdf 11



Ayon kay Soledad S. Reyes, si Macario Pineda ay unang nakilala bilang manunulat sa wikang Ingles. Ang ama nito ay isang makata sa Bulakan. May asawa at pitong anak na kanyang pinagsumikapan buhayin ng marangal sa pagtatrabaho bilang kawani at sa pagsusulat. Maraming nailathalang gawa ni Macario Pineda sa mga magasin at libro nang panahong iyon. Sa pagbabawal sa wikang ingles nang panahon ng pananakop ng Hapon at ang paglahok sa mga gerilya nang Ikalawang Digmang Pandaigdig nagsimulang magsulat sa wikang Pilipino si Macario Pineda, at nagbunga ito ng mga kapuri- puring mga gawa. Kinatangian ng matalino at ma-estilong paggamit ng bago man o lumang salita nang panahong iyon. Isang yaman maging sa panahon ng e-books ang mga akda ni Macario Pineda. Nakakalungkot nga lamang na tanging ang libro lang nito na Ang Ginto sa Makiling at Ibang mga Kwento ang nahagilap ko sa ngayon. Tunay ngang ginto na kailangang minahin. 2ff7e9595c


0 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page